Sa Araw ng mga Ama, ibinahagi ni Ria Atayde na magkakaroon na sila ng baby ng kaniyang mister na si Zanjoe Marudo.

Sa Instagram post nitong Linggo, binati ni Ria si Zanjoe ng Happy Father's Day.

May kasamang larawan ang post na nasa beach ang mag-asawa at makikita ang baby bump ni Ria.

"To the dad you already are and the dad I know you'll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you," saad ni Ria sa caption.

Dumagsa naman ang pagbati ng mga supporters sa mag-asawa, maging ang mga kapuwa nila celebrities.

"Happy [father's] day Z, congratulations," saad ni Kapuso actor Jason Abalos.

 

 

Enero noong nakaraang taon nang kumpirmahin nina Ria at Zanjoe ang kanilang relasyon. Nitong nakaraang Pebrero nang maging engaged naman ang dalawa.

At nitong Marso, magpakasal sina Zanjoe at Ria, sa ika-32 taong kaarawan ng aktres.-- FRJ, GMA Integrated News