Sinentensiyahan na ang apat na Pilipino matapos masangkot sa large-scale marriage fraud sa Massachusetts, Amerika.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing inilahad ng Federal Court ng Boston ma magkakasabwat ang mga naturang Pinoy na mga taga-Los Angeles, California sa pamemeke ng mga kasal.

Ginagawa umano nila ito upang magkaroon ng legal status sa Amerika ang daang-daang immigrants sa halagang $20,000 hanggang $35,000 o katumbas ng hanggang halos P2 milyon.

Pekeng dokumento ang ginagamit ng mga akusado upang maproseso ang working permit at green card ng mga immigrant.

Umabot sa 600 umano ang kanilang naging kliyente magmula pa 2016. Makukulong ang dalawa sa kanila ng 14 hanggang 22 buwan.

Ang dalawa namang iba pa, apat hanggang anim na buwang home detention ang matatanggap.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News