Isang sawa ang natagpuan sa loob ng isang motorsiklo sa Tagbilaran, Bohol, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Nakita ang sawa ng ilang lalaki habang binubutingting ang headlight ng motorsiklo.

May haba raw na dalawang metro ang natagpuang sawa.

Pinagtulungang hilahin ang sawa hanggang sa matanggap ito sa pagkakapulupot.

Pinakawalan din kalaunan ang sawa. —KBK, GMA Integrated News