Sugatan ang isang rider matapos mahulog sa ilog ang sinasakyang motorsiklo sa Tabuk City, Kalinga kahapon, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Agad na nakaresponde ang mga otoridad para maiahon at masagip ang biktima.

Kasalukuyan nang nasa ospital ang biktima at nagpapagaling habang patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente. —KBK, GMA Integrated News