Huli sa entrapment operation ang isang babae na nagbebenta umano ng malalaswang larawan at video sa Cebu City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing nahuli ang suspek sa entrapment operation sa Barangay Tisa ng lungsod.

Kabilang umano sa ibinebenta ng suspek ay ang mga video ng kanyang mga nakababatang kapatid na babae, na isa sa kanila ay menor de edad.

Napag-alaman din na nag-aalok ang suspek ng cam-shows sa kanyang mga parokyano na karamihan mga dayuhan.

Ayon sa mga awtoridad, nagsisisi naman daw ang suspek sa kanyang mga nagawa.

Nailiglas at nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang menor de edad na kapatid ng suspek.

Nahaharap ang suspek sa reklamong Qualified Trafficiking in Persons. —LBG, GMA Integrated News