Patay ang isang 77-anyos na lalaki matapos mabangga ng motorsiklo sa Cavite City.

Batay sa report ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, na iniulat din ng Unang Balita nitong Miyerkoles, kinilala ang biktima na si Regidor Ignacio. 

Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, mabilis ang patakbo ng 18-anyos na rider.

Ayon sa pulisya nagkasundo ang magkabilang panig na babayaran ng pamilya ng rider ang danyos ng aksidente.

Hinihingan pa ng pahayag ang rider at ang pamilya ng biktima. —LBG, GMA Integrated News