Sa pagpitas ng mga prutas na strawberry at cucumber sa isang farm sa Canada, kumikita ang isang Pinoy na manggagawa roon ng katumbas na P25,000 kada linggo o P100,000 bawat buwan.

Sa programang "Unang Hirit," ibinahagi ng OFW na si Albert Frederich Logo, ang kaniyang buhay at trabaho bilang fruit picker sa Canada.

READ: Jobs crisis sa Canada, lumalala umano dahil sa dami ng 'baby boomer' na nagreretiro

Sa video ng kaniyang "mini tour," ipinakita ni Logo ang kanilang tinutuluyan sa trabaho o bunkhouse, na mayroong dalawang kuwarto para sa tig-anim katao.

Kuwento niya, limang taon na siyang OFW at nagsimula siya magtrabaho sa bansang Taiwan.

Pero lumipat siya sa Canada dahil na rin sa kaibigan na nagsabi sa kaniya na mas maganda ang buhay doon.

"At alam niyo, mukhang hindi ako nagkamali," ayon kay Lago na mahigit isang taon na ngayong nagtatrabaho sa Canada.

Sa video, ipinakita ni Lago ang ginagawa niyang trabaho sinabi niyang bumuhay sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Papaano nga ba ang tamang pamimitas ng strawberry at cucumber sa farm? Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News