Maraming tagasubaybay ng Kapuso sitcom na "Happy ToGetHer" ang kinilig sa mainit na eksena nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres, bilang sina Julian at Emily.

Sa balik-tanaw na kuwento, sinamahan ni Julian si Emily, at tinulungan na ayusin ang bagong condo unit na binili ng dalaga.

Hindi rin iniwan ni Julian si Emily hanggang sa kanilang trip na magpa-tattoo.

Hanggang sa tuluyang mahulog ang loob nila sa isa't isa at mangyari ang nakakikilig na just one kiss na eksena.

May mga fans na nagkomento sa social media na bagay at may chemistry ang tambalan nina "Andeng" at "Loide."

Pero sa takbo ng mga pangyayari sa "Happy ToGetHer," tila may katapusan ang pagmamahalan nina Julian at Emily dahil sa ex-boyfriend ng dalaga na gustong makipagbalikan.

May chance pa kaya si Julian na maging happy to be with the girl na kaniyang minamahal? Panoorin ang naturang episode sa video ng top rating Kapuso sitcom.

--FRJ, GMA News