Ang mga "night" person,  mag-enjoy kaya sa isang isla sa Norway na tila one to sawa ang gabi ng ilang buwan. Pero paano ang mga Pinoy na sanay makakita ng umaga?

Sa report ni Athena Imperial sa programang "Brigada," sinabing hindi normal ang panahon sa Svalbard, isang isla sa Norway, na nasa pagitan ng Arctic Circle at North Pole.

Kapag panahon kasi ng winter, umaabot ng hanggang anim na buwan na nababalot sa dilim ang Svalbard dahil hindi ito nasisikatan ng araw.

Kapag summer naman, 24 oras ang araw sa kanila at wala sa kanilang gabi.

Ang ilang kababayan nating napadpad sa Svalbard, inihayag ang kanilang karanasan nang una nilang maranasan ang kakaibang uri ng panahon.

Papaano nga ba ito nakaapekto sa kanila?

Tunghayan sa video ang kuwento ng magkapatid na Angie at Chenaii, at ang kaibigan nilang si Kristine, kung papaano sila napadpad sa Svalbard, at paano sila nag-adjust ng pamumuhay sa lugar? Panoorin. --FRJ, GMA News