Marami ang kinilig sa birthday message ni Rayver Cruz para kay Julie Anne San Jose.

Sa video na ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center nitong Martes, makikitang  nagbibigay ng mensahe si Rayver sa birthday party ni Julie Anne.

Inihayag ng aktor, kung gaano niya pinapahalagahan ang nabuong samahan nila ni  Julie Anne, na itinuturing niyang “blessing.”

“You inspire everyone especially me,” ani Rayver. “Gusto ko lang sabihin [na] nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita. Mahal kita.”

Pinasalamatan din ni Rayver ang pamilya ni Julie Anne.

“Thank you po sa family ni Jules—Tito, Tita, mga kapatid—kasi nakikita naman na nakakabisita ako sa inyo,” anang binata.

 

 


Matapos na magbigay ng mensahe, lumapit si  Rayver kay Julie Anne, na kaniyang niyakan at biniyan ng bouquet of flowers.

Marami ang boto sa tambalan nina Julie Anne at Rayver, dahil kita ang kanilang chemistry sa ginagawa nilang videos.

Ang ilang fans, tinawag na ang tambalan ng dalawa na JulieVer. Minsan na rin sinabi ni Julie Anne na "basbas" na ng kaniyang mga magulang si Rayver. – FRJ, GMA News