Kung hindi dahil sa walang tigil na pagtahol ng mga aso, hindi malalaman na mayroon isang lalaki na dalawang araw na palang na-trap sa isang malalim na hukay sa Amadeo, Cavite.

Ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabi ng ina ng lalaking na-trap sa hukay na Huwebes nang magpaalam ang kaniyang anak na pupunta sa simbahan.

Pero hindi na nakauwi mula noon ang anak.

Pagkalipas ng dalawang araw, natunton ang lalaki sa isang hukay na may lalim na 20 talampakan.

Nagtulungan ang mga awtoridad para masagip ang lalaki mula sa hukay. Wala namang siyang tinamong sugat sa katawan.

Nalaman na nasa malalim na hukay ang lalaki dahil sa aso na walang tigil sa pagkahol.

Ayon sa rescue team, posibleng nadulas ang lalaki habang papunta sa simbahan kaya siya nahulog sa hukay.--FRJ, GMA News