Trending sa netizens ang isang aso na tila naging “karibal” na ang kaniyang fur mom sa puwesto sa kama, dahil sa pagiging sobrang clingy nito sa fur dad sa Angeles, Pampanga.

Sa ulat ng Balitanghali, itinampok ang isang video ng asong si Lala na tila may rich life sa TikTok serye na pinamagatang “Aso ng Asawa Ko.”

@lalaandjava

So saan ang Mama pupwesto? ????‍??

? original sound - lalaandjava

Makikita ang grabeng pagka-clingy ni Lala sa fur dad na si Robbie mula umaga hanggang gabi, at malagkit pa ito sa kakanin kung makakapit.

Matapos ang pamatay niyang side-eye, nagtulug-tulugan pa ang aso.

Kaya naman ang ending, si Mama Joy na ang aalis sa kama.

Ayon kay Joy, may sariling tulugan ang kanilang adopted dog, ngunit sadyang paborito ni Lala na makipagbonding kasama si Daddy Robbie.

May 3.8 milyong views na sa ngayon ang video. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News