Tatlong posibleng bagong species ng mga palaka ang nadiskubre ng Department of Environment and Natural Resources sa kabundukan ng Calanasan, Apayao.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, sinabing hindi bababa sa 15 species ng mga amphibians at reptiles ang naidukomento sa ginawang survey nitong nagdaang linggo.

Tatlo sa mga ito ang hindi pa tiyak kung bagong tuklas dahil kailangan silang isalalim sa taxonomic examination.

Kung makumpirma na bagong tuklas ang tatlong palaka, magiging malaki at bagong ambag umano sila sa biodiversity ng bansa.

Patuloy din ang isinasagawang survey ng kagawaran sa Apayao lowland forest key biodiversity area para sa mas malawak na research sa lalawigan. – FRJ GMA News