Isang mahabang sawa na nanggaling sa loob ng isang inidoro ang nahuli ng isang residente sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Sa Twitter post ni GMA News reporter James Agustin nitong Lunes, sinabing nilagyan ng plastic ang inodoro kung saan natagpuan ang sawa para mas madali itong mahuli.

READ: Lalaki sa Thailand, sinakmal sa 'private part' ng malaking sawa na nasa inidoro

READ: Kobra, lumitaw naman ngayon mula sa inidoro ng isang bahay sa Thailand

Nang gumagapang na ang sawa palabas ng inidoro, doon na ito sinunggaban para mahuli.

 

 


Hindi nabanggit kung ano ang gagawin sa sawa.

 

 

 

--FRJ, GMA News

Tags: