Sa mata pa lang, mapapansin na na hindi pangkaraniwan ang isang giant white panda na nakita sa kabundukan ng Sichuan provice sa China dahil wala itong itim na parang "black eye."

Sa video ng GMA News Feed, sinabing nakita sa pamamagitan ng survillance camera ang kakaibang panda na walang itim sa balahibo at kulay pula ang mga mata.

Hinihinala na albino ang panda, at posible umanong nag-iisa lang ito sa mundo.

Sa pagtaya ng mga eksperto, nasa lima hanggang anim na taong gulang ang white panda.

Hindi naman siya nag-iisa sa kabundukan dahil may nakita rin na iba pang panda sa urvillance camera pero ordinaryo ang kanilang kulay o may itim ang balahibo.

"This individual may have been the first wild all-white giant panda recorded since official documentation began," ayon kay Li Sehng, ng Peking University.

"However, it is still unclear whether its unique genetic trait will be within the small population and ever be stably inherited," dagdag niya.

Oso sa loob ng kotse

Samantala, laking gulat ng isang residente sa Washoe Country sa Nevada, USA, nang makita niyang may malaking oso na nakulong sa loob ng kaniyang sasakyan.

Maingat na tinalian ng mga rumespondeng awtoridad ang pintuan ng kotse. At nang makalayo sila, saka nila hinila ang tali para mabuksan ang pinto ng sasakyan.

Tumalon naman palabas ng sasakyan ang malaking oso at tumakbo palayo.

Nasira ang loob ng sasakyan dahil posibleng nagwala ang oso nang makulong.

Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente.

"Spring is an active time for our Tahoe bear population and a good reminder to be bear-aware when enjoying the beautiful outdoors," paalala ng Washoe Country Sheriff's Office. --FRJ, GMA Integrated News