Roller blading ang naging paraan ni Dion Ignacio, hindi lang para bumalik sa pagkabata, kundi para maging fit at healthy rin ngayong quarantine.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Dion ang kaniyang #rollerbladingadventures at ipinakita ang ilan sa kaniyang mga galawan sa kaniyang 3x3 roller blading.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabi ni Dion na fitness routine niya ang roller blading para mapanatili ang kaniyang kalusugan habang pandemic.