Simple pero malaman ang naging tugon ni Heart Evangelista sa netizen na nanlait sa kuko niya sa paa.

 


Nag-post kamakailan si Heart sa kaniyang Instagram account ng larawan para ipinakita ang stylish heeled sandals niya na terno sa kaniyang ginawang artwork.

Isang netizen ang nagkomento sa naturang post ng Queen of Creative Collaborations, at sinabing "panget pala kuko mo."

Sinagot naman ito ni Heart ng, “Ok lang keysa ugali,” at nilagyan niya ng heart at kiss emoji.

 

 
Kinampihan din ng iba pang followers si Heart, at may mga humanga sa paraan ng ginawa niyang pagtugon sa basher. 

Matatandaan na naging target na rin noon ng pamba-bash si Heart maging ang mga ginagawa niyang pagtulong at pagpapakita ng kaniyang hilig sa art at fashion.  READ: Heart Evangelista, labis na nasaktan nang tawaging 'out of touch' at 'privileged'

Ang kaniyang mister na si Chiz Escudero, nagbibigay ng tips kay Heart kung papaano haharapin ang mga basher.  READ: Chiz Escudero gives Heart Evangelista advice on how to deal with online bashers


--FRJ, GMA News