ZAMBOANGA CITY - Lumiyab at tinupok ng malakas na apoy ang isang lumang building sa Mayor Climaco Avenue sa Zamboanga City nitong Linggo ng madaling araw.

Kabilang sa nasunog na establisimyento ang National Bakery.

Ang nasabing lumang building ay malapit sa Fire Department at katapat ng Calcutta Bazaar.

Patuloy pang inaapula ang apoy sa mga oras na ito.

Pahirapan ang pag-apula sa sunog dahil sa kakulangan ng supply ng tubig.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang sanhi ng sunog.

Hindi pa rin matukoy ang halaga ng mga ari-arian na nasunog. —KG, GMA News