Isang bata ang to the rescue sa aso na pinapagalitan ng amo nito dahil sa sinirang kable.

Sa ulat ni Mav Gonzales sa "24 Oras Weekend" nitong Linggo, makikita sa video na pinapagalitan ang aso dahil nginatngat ang kable na para sa adaptor ng TV.

Pero hindi na nakapalag ang amo nang dumating ang batang tila pinagtatanggol ang ang aso.

Umiyak ang bata na para bang pinipigilan ang among pagalitan si Bantay.

Mas lalo pang umiyak ito nang hindi huminto ang amo sa pagsermon sa aso.

Sa huli, walang nagawa ang amo at pinost na lang online kung saan makakabili ng bagong kable. — Ma. Angelica Garcia/DVM, GMA News