Pinusuan ng netizens nang mag-piggyback si Heart Evangelista sa Incubus vocalist na si Brandon Boyd sa isang photoshoot.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing marami ang napa-"sana all" sa pagsasama nina Heart at Brandon.

Ayon kay Heart sa kaniyang IG story, ang American artist pa ang humikayat para gawin ang shot.

Matapos ang ilang shot, bumaba si Heart saka minasahe si Brandon.

Inanunsyo ni Heart noong Mayo na mayroon siyang "little art project" kung saan ibinahagi niya ang screenshot ng kaniyang virtual meeting kasama ang rockstar.--Jamil Santos/FRJ, GMA News