Inanunsyo ni Maine Mendoza na engaged na sila ni Arjo Atayde.

Sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, ibinahagi ni Maine ang wacky shot nila ni Arjo, na makikitang may suot na singsing si Maine.

Sa iba pang mga kuha, makikita na all smiles ang dalawa habang nakaakbay si Maine kay Arjo.

Tila hindi pa makapaniwala si Maine na engaged na siya kay Arjo, na ngayo'y kongresista ng 1st district ng Quezon City.

"Wait, whaaaat??? We’re engaged?! ????" caption ng dalaga.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

 

Bago nito, nasabi na ni Arjo sa isang panayam na napag-usapan na nila ni Maine ang kasal.

Sinabi rin ng 27-anyos na si Maine, na plano niyang magpakasal bago mag-30.

Nagsimulang pag-usapan ang relasyon nina Maine at Arjo noong December 2018. Pagsapit ng Enero 2019, kinumpirma ni Arjo na "exclusively dating" na sila ni Maine.

Noong December 21, 2021, ipinagdiwang nila ang kanilang third anniversary bilang magkasintahan habang nasa yate.--FRJ, GMA News