"Uwi ka na't mapupulutan ka!." Ito ang biro ng isang babae sa isang pating na pinagtulungan ng mga tao na makabalik sa dagat matapos mapadpad sa dalampasigan sa Baler, Aurora.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, ipinakita ang video sa ginawang pagsagip ng mga tao sa pating na may habang isang metro at bigat na 20 kilo.

Hinatak ng mga tao sa buntot ang nagpupumiglas na pating papunta sa malalim na bahagi ng dagat.

Bahagya pang nahirapan ang pating na makalangoy dahil sa malakas na alon.

Madidinig sa video ang boses na nagpapaalam ang tao sa pating at sinasabihan na umalis na.

"Uwi ka na't mapupulutan ka," biro ng babae sa video. --FRJ, GMA News