Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, magkakasama at masayang ipinagdiwang nina Pokwang at mga anak, ang kaarawan ng kaniyang ex-partner na si Lee O'Brian.

Ibinahagi pa ni Pokwang sa Instagram ang video ng selebrasyon nila ng kaarawan ni Lee, kasama ang kanilang anak na si Malia.

"Happy birthday Dada @leeobrian," saad ni Pokwang sa caption ng video. "Pero ikaw @malia_obrian ang bida hahaahahaha ayan nanaman siya."

 

 

Nitong nakaraang Hulyo, kinumpirma ni Pokwang na naghiwalay na sila ni Lee. Pero nilinaw niya na maayos ang kanilang paghihiwalay at walang third party.

Taong 2014 nang magkakilala ang dalawa sa shoot ng pelikulang "EDSA Woolworth."

Mayroong isang anak sina Pokwang at Lee na si Malia. May isa pang anak ang komedyante na si Mae.

Nakasama rin nina Pokwang si Lee nang magtungo sila kamakailan sa Amerika.—FRJ, GMA News