Napa-throwback si Vanessa Hudgens nang muli siyang bumalik sa East High School, na kanilang naging paaralan sa "High School Musical."

Sa kaniyang Instagram, maririnig ang "Breaking Free" na hit nila ni Zac Efron habang naglalakad si Vanessa sa tapat ng East High School.

Gumanap ang Filipino-American actress bilang si Gabriella Montez, habang leading man niya si Zac na gumanap bilang si Troy Bolton.

Labing anim na taon na ang nakararaan pero naaalala pa rin ng fans ang mga eksena at catchy songs na ginamit sa serye. —Jamil Santos/VBL, GMA News