ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

OPINION: Ask Atty. Gaby: Lalaki, nanutok ng baril dahil sa parking!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mga Kapuso, this is your daily reminder — 'wag pong pairalin ang init ng ulo.

Viral ngayon online ang video ng isang lalaking nanutok ng baril sa isang motorista dahil umano sa parking.

Kita sa video ang pag-amba ng baril ng lalaking nagpakilalang general.

Nakakaabala raw kasi ang motorista na nakaparada sa harap ng bahay ng lalaki.

Nasa isang minuto ring nagtalo ang dalawa bago umalis ang lalaking kumukuha ng video.

Ayon sa pulis, pinag-aaralan na nila ang viral video at kung legal ba ang itinutok na baril.

Ano ang sinasabi ng batas tungkol dito? Ask me, ask Atty. Gaby!

Atty., mainit na usapin pa naman ngayon ang paggamit ng baril. Ano ba ang sinasabi ng batas sa ganitong insidente ng road rage lalo na at may baril na involved?

Sa mga kasong ganito, sa ilalim ng batas natin, 'yang pagbabanta na sasaktan mo ang isang tao, halimbawa, ay isang krimen known as grave threats under Article 282 ng Revised Penal Code.

'Yung threat na papatayin kita or sasaktan kita or 'yung tutukan mo ng baril ang isang tao – kahit na walang salitang ginamit – obviously ay isang threat to commit great harm.

Maaari itong grave threat subject to a condition. Halimbawa, “Babarilin kita kapag hindi mo tanggalin ang kotse mo dito.”

Maaari din itong light threats under Article 285 na nagsasabi na drawing a weapon or threatening with a weapon. Kapag nag-aaway ay light threats lamang at mas mababa ang penalty so depende sa facts ng isang kaso.

In any case, dahan-dahan po kayo sa pagha-handle ng baril dahil maraming posibleng kaso ukol sa paggamit ng baril.

Halimbawa, 'yung magpaputok ka ng baril dahil may piyesta o dahil Bagong Taon, posibleng alarm and scandal ito sa ilalim ng Article 155 ng Revised Penal Code.

'Yung tutukan mo ang isang tao at paputukin ang baril na gusto mo lamang takutin nang walang intensyon na manakit o pumatay, illegal discharge of firearms sa ilalim ng Article 254 naman.

Of course, 'yung pagpapaputok ng baril na may intent na saktan o patayin ang biktima, mga kaso na 'yan ng attempted or frustrated murder, halimbawa, or kaso ng physical injuries.

Of course, may posibleng kaso din sa ilalim ng Republic Act 10592 o ang Comprehensive Firearms Regulation Act. Meron kayang permit ang baril? Lisensiyado ba Ito? May license to carry ba? Dahil bawal ilabas ang baril unless may special permit para dito.

So dealing with firearms is a serious matter at hindi dapat padalos-dalos.

Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip. Ask me, ask Atty. Gaby!