ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Netizens, pabor ba sa ginawang pagsampal ni Herbert Bautista sa umano'y drug dealer?


Sa mga talakayan sa social media tungkol sa pagsampal ni Quezon City mayor Herbert Bautista sa hinihinalang Chinese drug dealer nitong Biyernes, lumilitaw na higit na nakararaming netizens ang nakaunawa sa naging aksiyon ng alkalde.



Sa mga ulat na ipinalabas sa GMA News, nakitang dalawang ulit na sinampal ni Herbert ang suspek na nahulihan ng 10 kilo ng umano'y "high grade" o mataas na uri ng shabu, na tinatayang may street value na P15 milyon.

Basahin: Mayor Herbert Bautista, 'di nakapagtimpi sa hinihinalang Chinese drug dealer

Basahin: Herbert Bautista, nag-sorry sa pagsampal sa hinihinalang Chinese drug dealer

Bago ang pananampal, nakunan muna ng video ang biglang paglabas ng suspek ng kaniyang ulo sa bintana ng sasakyan at idikit sa mukha ni Herbert na tila gustong "mag-selfie."

Nang sandaling iyon, nakatalikod ang alkalde sa suspek habang kinakapanayam siya ng media.

Kung sa simula ay nakikita pang ngumingiti ang alkalde, naging seryoso na ito nang tanungin ang suspek kung saan nito nakuha ang mga iligal na droga.  Pero sa halip na sumagot, itinuro ng dayuhan ang kaniyang tainga na tila ipinapahiwatig na hindi niya naiintidihan ang sinasabi ni Herbert, dito na siya unang nasampal.

Nitong Sabado, humingi ng paumanhin si Herbert sa publiko kaniyang nagawa sa suspek.

Paliwanag ng alkalde, hindi na siya makapagtimpi dahil sa ipinakitang tila pambabastos ng suspek sa mga awtoridad at batas ng bansa.

Ngunit bago nito, kinastigo ng opisyal ng Commission on Human Rights ang alkalde dahil sa ginawa nitong pananakit sa suspek, na paglabag umano sa karapatang pantao.

Gayunman, base sa mga komento ng netizens sa lumabas na mga ulat, lumilitaw na mas nakararami ang nakaunawa sa naging aksiyon ni Herbert dahil na rin marahil sa galit nila sa mga taong nagpapakalat ng iligal na droga sa bansa.

May ilan pa nga na naniniwala na baka higit pa sa sampal ang inabot ng suspek kung nahuli ito sa Davao city ni Mayor Rodrigo Duterte.

Basahin: 1 pang lalaki na tulak daw ng shabu sa Davao city, napatay; suspek, pang-15 na ngayong taon

Basahin: 7, patay sa drug raid sa Davao City; droga mula sa ibang bansa, nakapasok daw sa lungsod

Narito ang ilan sa napakaraming reaksiyon ng netizens:

@Arcilla: "Okay lng yan Mayor Bistek kung ang pinoy nahuli sa china d lng sampal inaabot."

@Espera: "Bakit ka mag so sorry?, hindi biro ang dami ng buhay na nasasayang sa pag gamit ng bawal na gamot, at marami ring nadadamay dahil napapagtripan lang mga adik. hindi lang naman sa dealer, pusher at user natatapos yan, Isa rin ang droga sa cause ng lumalalang kriminalidad sa bansa, maraming adik sa tabi tabi pag wala ng pang drugs, mang ho holdap ng mga tao na naghahanap buhay ng matino. Wag kayong mag sorry dyan. At maliwanag na kaya nyo sya nasapak dahil sa kawalan nya ng respeto di ba. Magkaroon naman ng backbone paminsan minsan."

@Francia: "Tayong Mga Pinoy kunwari pang labag ang ginawa ni Bistek doon sa drug pusher na iyan , pero hinde ninyo Ina alala iyong Mga kapwa nating Pinoy na binitay dahil sa drugs sa Bansa nila , kaya sila namimihasa sa Bansa natin, nabibili nila tayo sa sariling bayan natin... Ano na ang nangyayari sa inyo Mga Kabayan , magising na kayo ...????"

@Mateo: "napangiti na yung chinese alam nya na na may tutulong sa kanya...CHR"

@Tacay: "Wag ka mag-sorry, tama lng ginawa mo sa drug pusher, Bistek!#Killthepusher #ProudDabawenyo

@gurl: "sa ibang bansa, pag pinoy nahulian ng shabu, lifetime imprisonment or death penalty agad... dpat sana sa pinas pag dayuhan, ganyan din... ng matuto."

@jean: "tama ka jan.. kesa naman yung spelling lang ng pilipinas yung pinagkakaabalahan nila... gumawa naman sila ng batas na mas MAY SAYSAY!! at yung MAY KWENTA!"

@Mina: "dapat indi lang sampal. Kay Mayor duterte baka wala na samundo yan!"

@Carna: "Count the number of the life that will be destroy of drugs that been confescated on him...on that lay the sentence... No bill ban... that count murders or slaughters kasi marami patay dyan sa drugs na yan."

@Boknoy: "Ba't parang kalmado yung nahuli ni Herbert? Tsaka nlng sya naging seryoso nung sinuntok kunyari ni herbert...parang may duda ako dito e!"

@Victoriano: "kaya nga maraming naglalakas ng loob na gumawa ng ganyan kc d sila natatakot pag nahuli sila...deport lng ang kahihinatnan...kaya nawawalan sila ng respeto sa batas ng Pilipinas kc maluwag ang hatol at may mga lintik na pumapapel pa....kumukontra tuladng lintik na CHR na yan...ilan pang buhay ng mga kabataan ang masisira ng dahil sa kawalan ng tamang hatol?dapat ibalik na ang death penalty sa bansa....wag nang pansinin ang mga lintik na mga paring tumututol sa panukalang batas...wala naman silang silbi at wala naman silang nagawang tulong upang mpaunlad at mbawasan ang krimen sa bansa."

@Cruz: "Tama lang na magapologize si Mayor kasi po sa batas kahit gaano pa katindi yong crime na ginawa ng isang tao..di po pwede manakit ang isang alagad ng batas..alam po nila yan..makakasuhan din sila ng offensive at physical injury..baka magkakaso si mayor mas mahirap."

@Meguerdijian: "Understandable nman mayor ur reaction, for me that's not enough he is one of those the cause of rape and killing sating bansa so bitayin na yan or life in prison. In China bitay or firing squad agad yan."

@noel: "kung pipitsuging drug dealer ang mahuli, kdalasan nagmukhang tupa pag arrestado. eh ito, parang wala lang. duda ako dito. di naman suntok yon. moromoro lang yon. kunwari lang yon sa tingin ko."

@gonfreecs: "ganyan dapat mayor..."

@Salimbangon: "you should have killed the guy"

@Dubas: "Sana si Duterte na lang nakahuli jan para ndi lang sampal inabot nia..dapat pa nga magpasalamat pa xa sampal lang nakuha nia kung kay Duterte yan ewan ko na lng!"

@Slasher: Tama kulang pa talaga yan,chr umipal na nman tingnan nyo mga kababayan natin na minamaltrato sa ibang bansa maging dto na may nagawa ba kyo?dapat I abolish na ang ahensya na yan ala rin silbi,lahat ng ahensya ng gobyerno may silbi ba?puro batas walang napapatupad,ang mga walang kwentang batas yon yong naipasa,gaya ng bawal mag ipon ng barya,ka polpolan dapat ang batas na ibalik nyo yong bitay sa mga ganyan tao,napaka swerte ng mga dayuhan na nagnenegosyo ng droga dto,pagnahuli suhol lang ok na pag na medya uwi lang samantala pag tyo paghindi katay bitay."

@Pastrana: "pag napatunayang drug dealer sapakin mo na Mayor."

@bemystrength: "alam na dapat ginagawa diyan. mahina ang ngipin ng batas, ipa-salvage mo na yan mayor bistek. makakawala lang yan at masusuhulan mga pulis, marami pang sisirain na buhay at pamilya yan!"

@Corrales: "Arrogant criminals deserve more. "Bistik" is no "Kaluskos Musmos" kid in this sequence, but the FATHER of the CITY! More power to you, Your Honor!"    

@Amigo: "Sa davao p yn nasa lamayan n yn."

 -- FRJimenez, GMA News