Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang Chinese nationals sa isang buy-bust operation sa Maynila.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ikinasa ang buy-bust operation sa Cultural Center of the Philippines, Bay Terminal Parking Lot, Barangay 720, Malate, Maynila.

Dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Bin Hu, 42, and Jiankang Liang, 40.

Nakuha mula sa kanila ang 15,000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102 million, ayon sa pulisya.

Pinuri naman ni PNP officer-in-charge Lieutenant General Vicente Danao Jr. ang mga tauhan ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency sa matagumpay na buy-bust operation.

"The task now is to identify their local counterparts so we will know the extent of their operation. We laud our operatives for a job well done," sabi ni Danao.

Ang mga suspek ay haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —Richa Noriega/VBL, GMA News