Arestado ang isang lalaki dahil sa panggagahasa umano sa kanyang kapitbhay na menor de edad sa Maynila.

Hinainan ng arrest warrant ng mga tauhan ng Pandacan Police ang 19-anyos na suspek sa kanyang bahay.

Ayon sa mga pulis, ang biktima ay 14-anyos na kapitbahay ng suspek.

Depensa ng suspek, karelasyon niya ang babae.

Aniya, kinasuhan umano siya ng pamilya ng babae dahil galit sila sa kanya. —LBG, GMA News