Kinagigiliwan online ang hiker na si Arqam at kaniyang alagang pusa na si “Gibby” na magkasamang umakyat sa Mt. Pulag.

Si “Gibby” ay isang 10-month old Persian cat. Ayon kay Arqam, kalmado lang si Gibby habang nakasakay sa balikat niya noong naghike sila. 

Kuwento ni Arqam, lagi niyang sinasama ang kaniyang alaga sa mga lakad niya. Sa katunayan, ito raw ang pangalawang beses na isinama niya ang kaniyang alagang pusa sa kaniyang hiking adventure. Bago ito, magkasama nilang inakyat ang Mt. Ulap. 

“Hindi lang sa bahay dapat umiikot ang mundo nila. Kailangan din nila masilayan ang ganda ng mundong ginagalawan nila,” pahayag ni Arqam.

Noong marating nila ang Mt. Pulag summit, makikita sa mga larawan na binalutan na ni Arqam si “Gibby” ng kumot para hindi ito lamigin. —VAL, GMA Integrated News