Isang fetus na tinatayang nasa lima hanggang anim na buwan na nakasilid sa plastic bag ang natagpuan sa isang ilog sa Naga City.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na iniulat din sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing natagpuan ang nasabing fetus sa ilog na sakop ng Barangay Balatas at San Felipe.

Nakita rin sa plastic ang underwear na hinihinalang pagmamay-ari ng nanay ng fetus.

Nailibing na ang fetus matapos dalhin sa infirmary.

Patuloy ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad at paghahanap sa nagtapon ng fetus sa ilog. — Jamil Santos/DVM, GMA Integrated News