Patay ang isang lola na na-trap sa sunog sa kanilang bahay sa Parañaque City madaling-araw nitong Miyerkules.

Sa ulat sa Unang Balita ni Mai Bermudez, na-trap umano ang 87-anyos na lola sa pangalawang palapag ng kanilag bahay.

Umabot naman sa 20 kabahayan ang nasira ng sunog na sumiklab sa Barangay Sto. Niño sa loob ng Valenzuela compound, at tinatayang 50 pamilya ang apektado ng apoy na sumiklab dakong 1:12 madaling-araw.

Kinalala ang nasawi na si Lolita "Lily" Matadling.

Ayon sa kanyang apo, bedridden ang matanda at naiwan sa pangalawang palapag ng bahay.

Samantala, inaresto naman ng mga tauhan ng barangay ang apo ng biktima dahil sa paulit-ulit umanong pagbabanta na susunugin ang kanilang compound.

Hawak na nga mga awtoridad ng barangay ang suspek na kilala umanong gumagamit ng iligal na droga. —LBG, GMA News