Lima katao ang nasawi nang masunog ang Sorsogon City Public Market nitong Sabado ng gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection-Sorsogon City.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naapula dakong 2:27 a.m. nitong Linggo, dagdag ng BFP-Sorsogon City.
Kasamang tumugon sa pag-apula ng apoy ang Coast Guard District Bicol sa pamamagitan ng Coast Guard Station Sorsogon (CGS Sorsogon) at Coast Guard Sub-Station Talisay (CGSS Talisay).
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang pinagmulan ng apoy at halaga ng pinsala. – FRJ GMA News
