Dead on the spot ang isang rider nang bumangga sa isang truck ang kanyang motorsiklo sa Quezon City.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing wasak na wasak ang harapang bahagi ng isang motorsiklo matapos bumangga sa isang truck sa Quezon Avenue pasado hatinggabi.

Dead on the spot ang lalaking rider.

Kuwento ng driver ng truck, nagulat na lang daw siya nang biglang may kumalabog sa kanyang likuran.

Galing daw siyang Pamgpanga at magde-deliver ng hollow blocks sa Luzon Avenue.

Batay sa ID na nakuha mula sa rider, siya ay residente ng Bangkal, Makati City.

Makikipag-ugnayan pa sa pamilya ng biktima ang mga awtoridad.

Nasa kustodiya na ng QCPD Station 4 ang driver ng truck at iniimbestigahan pa ang insidente.  —LBG, GMA News