Dead on the spot ang isang rider matapos makasalpukan ng kaniyang motorsiklo ang isang SUV sa Marikina City.

Sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Christopher Tanaya.

Sugatan naman at dinala sa pagamutan ang kaniyang angkas.

Nakaligtas naman ang driver ng SUV na si Sixto Antonio, na sinabing nagmenor siya sa intersection at hindi niya napansin ang pagdating ng motorsiklo.

"Nagulat na lang ako may biglang tumama sa bumper ko... ang bilis," ayon kay Antonio.

Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang insidente para sa isasampang reklamo laban sa driver ng SUV.--FRJ, GMA News

Tags: