Naging alisto ang isang ama sa pagsagip sa kaniyang isang taong gulang na anak nang iiwas niya ito mula sa isang humaharurot na pickup sa Pará, Brazil.

Sa isang video, na mapapanood sa Unang Balita nitong Huwebes, makikita ang mabilis na pagbuhat papalayo ng ama sa kaniyang anak, na nakaupo sa motorsiklo.

Ilang segundo lamang ang lumipas, dumaan ang isang pickup at nahagip nito ang motorsiklo.

Ayon sa lalaki, nagkasundo sila ng driver ng pickup sa danyos at hindi na iuulat pa ang insidente sa pulisya. —Jamil Santos/VBL, GMA News