Nasawi ang isang binatilyo matapos mahulog sa sapa ang minamanehong motorsiklo sa Barangay Tambidao, Bacarra sa Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, lumalabas sa imbestigasyon nag-overshoot ang motorsiklo na minamaneho ng biktima sa pakurbang bahagi ng kalsada at nahulog sa sapa na may lalim na apat na talampakan.

Kaagad namang natulungan ang biktima at itinakbo sa ospital pero hindi na siya umabot nang buhay.

Unihayag ng lola ng biktima umuwi pa ang kaniyang apo bago nangyari ang aksidente. Pero muli itong umalis matapos na maligo.

Ayon din sa pulisya, nakainom umano ang biktima nang mangyari ang sakuna.

Mabilis din umano ang takbo ng biktima kasama ang convoy ng kaniyang mga kasamahan.—FRJ GMA News