Isang mananaya ang nanalo ng mahigit P163 milyon  sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes, August 5,  2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isa lang ang nakakuha sa winning combination numbers na: 04-46-58-20-34-28, at may kabuuang premyo na P163,365,304.40

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45 na may premyong P33,960,195.20.

Ang lumabas na mga numero ay 18-31-28-13-23-30.--FRJ, GMA News