Dagsaan na ang mga turistang umaakyat sa Baguio City, ang Summer Capital of the Philippines, sa pagsisimula ng ‘ber’ months.

Sa inulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, batay sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, pami-pamilya at magbabarkada ang nakikitang namamasyal sa mga sikat na destinasyon, lalo na ang Burnham Park.

Dagdag pa rito, pabor sa mga negosyante ang pagdagsa ng mga bumibisita sa lungsod dahil lumakas uli ang kanilang kita.

Kilala ang Baguio sa magagandang tanawin at malamig na simoy ng hangin sa lugar kung kaya’t kahit hindi na tag-araw, marami pa rin ang bumibista rito upang mamasyal. — Alzel Laguardia/RSJ, GMA News