Nasawi ang pitong katao matapos ang pamamaril sa isang mall sa Virginia, USA.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing itinuturong gunman ang manager ng mall, na kinilalang si Andre Bing.

Pumasok umano ang suspek sa breakroom at pinagbabaril ang mga kasamahan niya sa trabaho, bago nagbaril sa sarili.

Apat ang sugatan sa pamamaril, at inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng suspek sa krimen. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News