Nakatakas ang 20 mga ostrich at nagdulot ng traffic hazards sa Alberta, Canada.

Sa ulat ng Saksi, mapapanood sa isang video ang paghabol ng mga pulis sa isa sa mga ostrich.

Naibalik ang mga ostrich sa may-ari, pero nasawi ang isa matapos masagasaan. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News