Dinampot ang isang lalaki sa Quezon City dahil umano sa panghihipo sa dalawang menor de edad na nakasalubong niya, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Lunes.

Agad daw na humingi ng tulong ang dalawang biktima sa otoridad kaya mabilis na nahuli ang 56-anyos na suspek.

"Ang mga bata ay humingi ng tulong sa ating operatiba na nandiyan lang sa paligid. Nakatawag ng pulis at nahuli itong lasing na ito," ani Police Brigadier General Nicolas Torre III, hepe ng Quezon City Police District.

Itinanggi ng suspek ang paratang sa kaniya. —KBK, GMA Integrated News