Nasabat ng mga awtoridad sa isang Turkish national ang hinihinalang cocaine na pinagmukhang sabon na nasa tatlong kilo ang timbang sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa ulat ni Jomer Apresto sa Super Radio dzBB nitong Martes, sinabing nasabat ang mga ilegal na droga sa terminal 3 ng NAIA.

Bukod sa cocaine, may nasabat din umano sa dayuhan na galing sa Dubai, na 1.5 litro ng likido na hindi pa matukoy na uri ng ilegal na droga.

 

 

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at pagtukoy kung magkano ang halaga ng nasabat na mga ilegal na droga.--FRJ, GMA Integrated News