Hindi pa rin tinamaan ang Mega Lotto 6/45 draw nitong Miyerkules, Mayo 10, 2023, na mahigit P200 milyon na ang premyo.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na mga numero ay 07-05-02-25-41-15.

Umabot na ang jackpot prize nito sa P209,772,953.60.

Sa Facebook page ng PCSO, nakasaad na mayroon 123 mananaya ang nanalo ng second prize na P32,000.00.

Wala ring nanalo sa kasabay nitong draw na Grand Lotto 6/55, na ang mga numerong lumabas ay 42-17-06-08-12-04, at may premyong P29,700,000.00.

Pero mayroong 33 mananaya ang nanalo ng second prize na P100,000,00.--FRJ, GMA Integrated News