May pa-contest na naisipan sa Tokyo, Japan tungkol sa pagtulog na ang kalahok na pinakamabilis at pinakamahimbing matulog ang mananalo.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing may
tracking device na nakakabit sa mga kalahok habang natutulog nang hanggang 90 minutes.
Masusubaybayan sa tracking device kung sino sa mga kalahok ang pinakabilis at pinakamahimbing matulog.
Ang mananalo, may matatanggap na premyong 2 million yen na katumbas ng halos P800,000.
Ayon sa organizer, ginawa nila ang palaro dahil marami ang kinukulang sa tulog sa kanilang bansa. Sa pamamagitan ng naturang paligsahan, ipinapaalala sa publiko ang kahalagahan ng tulog. – FRJ GMA News
