Napanatili ng bagyong "Aghon" ang kaniyang lakas at nag-landfall naman ngayon sa Marinduque nitong Sabado ng gabi, batay sa 11:00 pm bulletin ng PAGASA.

Dakong 10 p.m. nitong Sabado, tinatayang nasa Torrijos, Marinduque ang mata ng bagyo, taglay ang pinakamalakas na hangin na 55 km/h malapit sa gitna, at pagbugso ng hanggang 75 km/h.

Tatlong oras bago nito, may taglay na lakas ng hangin si Aghon na 45 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 70 km/h.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa mga lugar ng:

  •     southeastern portion of Isabela (Palanan, Dinapigue)
  •     southern portion of Quirino (Maddela, Nagtipunan)
  •     southern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda)
  •     eastern and southern portions of Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, Peñaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen)
  •     Aurora
  •     eastern portion of Pampanga (Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Santa Ana, Arayat)
  •     Bulacan
  •     Metro Manila
  •     Quezon
  •     Rizal
  •     Laguna
  •     portion of Cavite (Mendez, Gen. Mariano Alvarez, Noveleta, Silang, City of Dasmariñas, City of General Trias, Amadeo, Carmona, Kawit, Rosario, Tanza, Alfonso, Tagaytay City, Bacoor City, Trece Martires City, Imus City, Indang)
  •     eastern portion of Batangas (Lobo, Taysan, Rosario, Padre Garcia, San Juan, Santo Tomas, Batangas City, Tingloy, Bauan, San Luis, Mabini, San Pascual, San Jose, Ibaan, Lipa City, Mataasnakahoy, Balete, Malvar, Calaca, Cuenca, Talisay, Agoncillo, Lemery, City of Tanauan, Alitagtag, San Nicolas, Laurel, Santa Teresita, Taal)
  •     northern portion of Oriental Mindoro (Pinamalayan, Pola, Naujan, Victoria, Socorro, City of Calapan, Bansud, Gloria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Roxas)
  •     portions of Occidental Mindoro (Sablayan, Abra de Ilog)
  •     Marinduque
  •     Romblon
  •     Camarines Norte
  •     Camarines Sur
  •     Catanduanes
  •     Albay
  •     Burias Island

 
Inaasahan ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Luzon, partikular na nasa ilalim ng Signal No. 1.

Mula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng gabi, magdadala ang bagyo ng "moderate to rough seas" (1.5 to 3.5 m) sa baybayin ng northern at eastern seaboards ng Luzon at southern seaboard ng Quezon at Bicol Region.

Matapos mag-landfall ng pitong beses sa iba't ibang lugar sa Samar, Eastern Samar, Masbate, at Marinduque, inaasahan na muling tatama sa kalupaan ang bagyo sa Batangas o Quezon sa Linggo.

Sa pagtaya ng PAGASA, lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Aghon sa Miyerkules.—FRJ, GMA Integrated News