Natagpuan sa gilid ng isang paaralan sa Davao City ang bangkay ng isang lalaki.

Kuwento ng mga residente, nakarinig sila ng pagputok ng baril, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Lunes base sa impormasyong nakalap ng GMA Regional TV One Mindanao.

Nadiskubre ang bangkay na duguan at may tama sa ulo.

May baril din na nakapatong sa katawan ng biktima.

Ayon sa pulis, hindi pa klaro kung may foul play sa naganap na insidente.

Isinailalim na sa paraffin test ang bangkay.

Samantala, sinusuri naman ng pulisya ang CCTV footage malapit sa lugar ng pinangyarihan ng insidente. —KG, GMA Integrated News