Naghain na ng divorce si Mia Goth mula kay Shia LaBeouf, mahigit isang taon matapos silang maghiwalay.

Ayon sa mga dokumentong nakuha ng People at TMZ, binanggit ng aktres na bida sa “Pearl” ang “irreconcilable differences,” bilang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Nakalagay ditto ang Hulyo 28, 2025 bilang petsa ng kanilang paghihiwalay.

Humiling si Goth ng legal at physical custody sa kanilang 4-anyos na anak na babae, ayon sa People.

Nagpakasal ang dalawa noong 2016 sa isang seremonya sa Las Vegas, ngunit kalaunan ay sinabi ng mga opisyal na hindi legal ang kanilang kasal.

Ayon sa mga ulat, nakitang parehong may suot na wedding ring ang dalawa noong 2020.

Isinilang ang kanilang anak noong 2022. —FRJ GMA News