Inamin ni Kapuso star Bea Binene na sa pagganap niya bilang si Anya sa Kapuso telefantasyang "Mulawin vs. Ravena," marami siyang ginawang paghahanda sa kaniyang sarili, kasama na ang pagda-diet.
Kuwento ni Bea, nagsimula siya sa pagwo-workout noong Agosto 2016 pero hindi pa masyado sa diet.
"In terms of food, it depends. Kasi nag-start ako, August last year mag-workout. Noon, wala pang diet talaga. I just wanted to get fit and lose weight without the pressure na parang wala kang paghahandaan kasi wala pa naman akong project," paliwanag niya showbiz press sa launch ng isang bagong social commerce platform nitong Martes sa Makati City, na siya ang napiling August girl.
Bea Binene ready to empower millenial women as the August cover girl of a new social commerce platform pic.twitter.com/Y74Qp5gMk5
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) August 22, 2017
"And then when 'Mulawin vs Ravena' started, du'n na parang kailangan ko na talagang pumayat," patuloy niya kaya isinama na rin niya ang pagda-diet.
HEALTY FOOD
Dito ay binanggit ni Bea ang kaniyang mga healthy food at itinigil na rin niya ang rice at mga fast food.
"Ang diet ko nu'n, kamote, saba, chicken and fish lang. For two weeks straight. Tapos one week, nag-cheat week, tapos two weeks ulit na ganu'n ulit," paliwanag niya.
At dahil napabalita kamakailan ang pagkakaroon ng bird flu outbreak sa ilang lugar sa Pampanga at Nueva Ecija, natanong ang aktres kung hindi ba siya natatakot na kumain ngayon ng manok na kasama sa kaniyang diet.
"Hindi. Pero as long as you cook it well. 'Di ba po hindi naman ito nata-transfer sa humans? Basta you cook it well," paliwanag niya.
DISIPLINA SA KATAWAN
Kahit busy sa taping para sa telefantasya, naglalaan pa rin ng oras ang aktres para makapag-exercise.
"Noon I try almost everyday. Pero bilang may 'Mulawin vs Ravena', parang once a week, twice a week na lang kasi may taping palagi," paliwanag niya.
Inihayag pa ni Bea na bukod sa paghahanda ng kanyang sariling baon, tinutulungan pa siya ng kanyang fitness coach sa pagbibilang ng calories sa kanyang kinakain.
"Before nu'ng hindi pa push sa diet, I just cook my own diet. Calorie count lang. I prepare my own meals, binabaon ko siya palagi sa taping. Tapos nu'ng nagte-taping na, madali na lang, kamote na lang, nilagang saba na lang," aniya.
Dugtong niya, "And then recently, my coach kasi has his own restaurant and then meron na silang calorie-counted meals na available. So du'n na lang."
Bagama't conscious daw sa kanyang mga kinakain, inamin ni Bea na hindi pa rin siya makatanggi sa matatamis.
"Ngayon, I became conscious na talaga. Pero I still can't resist food. I still can't resist sweets, carbs. Juice ko, carbs is life! More discipline lang, more conscious pero hindi pa talaga ganu'n ka-conscious," saad ng aktres.
Dahil halos isang taon na rin siyang umiwas sa kanin at fast food, aminado si Bea na nasasabik na siya sa mga ito.
"Ngayon po, minsan hindi talaga maiiwasan. Like kung ang pagkain mo, Paella, paano mo kakain 'yung Paella nang walang kanin, 'di ba? 'Yung mga ganu'n. Fastfood food. Isang taon ko na po siyang hindi kinakain pero crave na crave na crave na talaga ako sa kaniya," natatawa niyang pag-amin.
Sa nalalapit na pagtatapos ng "Mulawin vs Ravena," sinabi ng aktres na plano niyang mag-travel para makapagpahinga.
"Diyan diyan lang!" pabiro niyang sabi. "Pero meron po. Definitely, kasi gusto ko talaga na every after show... actually ako, gusto ko talagang mag-travel. Sabi ko nga, if unlimited 'yung money, hindi niyo na ako makikita sa isang lugar. Sobrang gusto kong mag-travel."
Bukod sa "Mulawin vs Ravena," mapapanood din si Bea sa "Good News" sa GMA News TV. -- FRJ, GMA News
