Magiging tatlong araw na ang pagtatanghal ni Bruno Mars para sa kaniyang “The Romantic Tour” concert sa Bulacan sa 2027.
Ayon sa Live Nation Philippines, ang ikatlong show ay gaganapin sa May 18, 2027, sa Philippine Arena sa Bulacan.
Ang unang dalawang pagtatanghal ay unang itinakda sa May 15 at 16 sa 2027.
Mabibili na ang mga ticket simula sa September 14 at ganap na 12:00 ng tanghali.
Nagkakahalaga ito ng mula P1,500 hanggang P23,750, depende sa kukuning puwesto sa arena.
Taong 2023, nang magsagawa ng two-night show si Bruno Mars sa Pilipinas.
Due to incredible demand, a NEW SHOW has been added for Bruno Mars on 18 May!
— Live Nation PH (@livenationph) September 11, 2026
Tickets go on sale 14 September at 12PM. Don’t miss your chance to see Bruno Mars live!
Bruno Mars - The Romantic Tour
📅 May 15 & 16 2027
📅 May 18 2027 - New Date Added
📍 Philippine Arena
Get… pic.twitter.com/05T3bKZqqi
—Jade Veronique Yap/FRJ GMA News

