Excited si Kapuso star Bea Binene na maging parte ng upcoming Kapuso series na "Dragon Lady," lalo't makakasama niya rin ang mga kasabayang "tween" stars na sina Derrick Monasterio at Kristoffer Martin.

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing magiging mahalaga ang karakter ni Bea na magsisilbing flashback sa buhay ng bidang si Janine Gutierrez.

Pero ayon kay Bea, "jina-judge" siya nina Derrick at Kristoffer sa kanilang mga eksena kaya napi-pressure siya.

"Madali siya dahil at ease kami sa isa't isa," saad ni Bea tungkol sa pagiging katrabaho ng dalawang aktor.

"Nakaka-pressure siya kasi jina-judge nila ako. Si Kristoffer sasabihin niya, 'Ayusin mo ha!' Ganiyan-ganiyan. So mapi-pressure talaga ako. 'Huh! Opo eto na po,'" natatawa pa niyang kuwento.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News